Umaasa ka pa? Oo syempre naman. Hindi kasi kadaling bitawan nalamang yung mga panahong ramdam mong kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Sa twing kasama mo siya parang hindi mo na alam ang salitang 'Forever Alone' kasi pinaparamdam niyang siya talaga ay para sayo. Paano nga kung yun ang naramdaman mo pero hindi pala yon ang pinararamdam niya sayo? Gulo no?
Sayo feeling mo may nararamdaman siya sayo kasi espesyal ang trato niya Sa texts at lalo na sa personal. Pano nalang kung feeling mo lang yon? matapang ka kung sasabihin mo yung pagpapakahulugan mo sa mga ginagawa niya at tanungin mo siya ng harapan kung ano ba talaga kayo pero kapag titignan mo na ang mga mata niya unti-unting uurong ang mga salita at mapapalitan na lamang ng luha dahil sa mga mata niya ay makikita mo na ang laman ng puso niya.
Bakit mahirap mag let go? kasi minsan sa inakala mo siya na talaga ang para sayo pero sa twing magkakaaminan na ng tunay na nararamdaman malalaman mong hindi pala ito totoo.
Masakit umasa pero hindi ka parin tumitigil dahil yung pag-asa mong yan, yan nalang yung natitira mong literal na pag-asa na baka balang araw kayo na nga.
Sana alam to ng taong inaasahan mo, yung tipong "hello brad, makiramdam ka naman." tapos ang mga susunod na e "pagod na ko." deretso "Let go ko na to" tapos sa isang pagkakataon lang na mag uusap ulit kayo babalik ka sa "Ikaw na talaga." Pa ikot-ikot, matagal, nakakapagod pero brad mag-laan ka naman ng panahon sa sarili mo hindi naman habang buhay e kayo dahil minsan ang salitang "tayo" e totoo pero sa panahon ngayon ito ay mananatiling ilusyon. Minsan ibaling mo din yung paningin mo sa ibang direksyon hindi lang naman talaga siya ang lalaki sa mundo.
May nakapag sabi sakin ng mga salitang to:
"Huwag mong asahan ang mga dapat mong asahan kasi sa huli masasaktan ka lang."
--Umaasa
/PS. Note to Self/
X
No comments:
Post a Comment